Sunday, September 7, 2008
Friday, September 5, 2008

Favorite song ko kasi yung COMPLICATED by Avril Lavigne. Siguro maihahalintulad ko din ang word na complicated sa pag-aaral ko. Hindi naman sa complicado ang mga grades ko kundi, kung baga sa mga subjects ko.Haha!!,Ever since mahina talaga sa math. Noong CFY ako ayun nagsimulang maging complikado ang buhay ko, eh kasi ba naman ang aga kong sumabak sa Algebra tapos ayun lahat ata ng term exam ko nun bagsak. Lagi akong umiiyak dahil doon.Kala ko magkakasingko agad ako,buti na lang nagremoval ako kaya ayun sa awa ng Diyos nakapasa ako.Noong gabi bago ang removal exam todo aral talaga ako kasi para pumasa. At bago ako matulog halos lahat ata ng santo natawagan ko na, nahingan ng tulong he!he!he! kaya after two weeks ata yun tuwang tuwa ako nung nag verify ng grades at hayyyy ayun thanks God pumasa ako.... mabait talaga si God, kahit 3 lang yun napaka thankful ko pa rin kasi di ba di ako bumagsak.. hayyyy. Dumating ang second sem at ang kasabihang history repeats itself ang naghari sa aking pag-aaral. Trigonometry pa naman ang subject title ng math ko medyo masakit pala ito sa bangs. Hayyy ayun nag remedial ulit ako at presto nakapasa ulit ha!ha!ha!. Ewan ko ba kung tsamba o sadyang magaling lang ako? Kasi nakapasa na naman ako. Kinakantyawan nga ako ng mga classmate ko dati e, kasi kung sino pa daw maraming hahabulin ay sya pa ang pumasa sila kasi nagdrop silang lahat. Hayyy napakathankful ko talaga kasi si God he keeps on guiding me kung anu yung gagawin ko sa studies pati sa real life.Eto ako ngayun, patuloy na sumasabak sa madaming math at alam ko makakakaya ko lahat ng yun. Kahit anung math pa ang dumating. Basta "I WILL ENDURE TILL THE END", AJJJJJJA!!!

Glitterfy.com - Glitter Graphics
Subscribe to:
Posts (Atom)